Friday, March 13, 2009
bago ang lahat, igigreet ko muna si Dionis ng maligayang bati! 18 na siya. ewan ko lang kung napapasyal siya dito sa blog ko. pero salamat sa brooklyn pizza :D
mahalaga! hindi ako gumawa nito,, si clang talaga... hiniram ko lang.. :D eto site niya:
marami ang mga posibleng epekto ng pag-aaral ng hardcore sa UP, partikular na sa UP manila.
1. lolobo ang eyebags mo.
2. magkakaroon ka ng rayuma o at least isang form ng sakit sa katawan.
3. lalabo ang mata mo.
4. papayat ka ng sobra o tataba ka. (choose one lang)
5. ang mga moments tulad nito:
SA MED CAF:
MOMENT 1:
jill (tungkol sa kom term paper): siniguro ko kasi na bago ko piliin yung topic, may source na ako.
clang: ano nga uli yung topic mo?
jill: yung tungkol sa mga mangkukulam. pero hindi ko sila tatawaging ganun. 'wicca' ang itatawag ko sa kanila. hindi ko sila tatawaging witch o wicca.
norvim: ha? eh ano itatawag mo sa kanila?
(tawa tawa tawa)
~~
MOMENT 2:
norvim: naku, pano yan, wala tayong ipapasang crystal. tayo nalang ang group na wala pang ipapasang crystal.
jill: may natitira bang hindi nadissolve na tawas dun sa supersaturated solution mo?
norvim: oo.
jill: eh dapat tanggalin mo sila. sila yung nag-aabsorb nung tawas na dapat dumikit sa crystal mo. sila yung umaagaw.
norvim: aba, eh putang ina palang mga crystals yan! naku, patay sila sakin pag-uwi ko!
(tawa na naman)
~~
MOMENT 3:
ikay: alam nyo yung website na parishilton.com?
clang: hindi, ano yun?
ikay: kasi dati, blog siya.
norvim: eh ngayon?
ikay: blog pa din siya.
(tawa ulit)
~~
MOMENT 4:
clang: naku, pano yan, wala daw lrt.
jill: kaya nga daw eh.
clang: pano tayo makakauwi?
jill: meron yan. nakasakay pa ako kanina papuntang pedro gil eh. ewan ko lang.
norvim: meron yan, ewan ko lang?
(hagalpak uli sa tawa)
~~
MOMENT 5:
clang: pupunta ba ako sa laro nyo sa upd sa sunday?
norvim: oo, pumunta ka.
jill: san ba yung sunken garden?
tanya: basta sumakay ka lang sa UP ikot.
jill: eh di ba sarado yun pag sunday?
tanya: hindi naman siya umiiikot eh, hndi umiikot dun sa oval.
clang: (tawa ng tawa) hindi umiikot ang UP ikot?
ikaw: (tinanong kay jill kung ano yung tinatawanan ko, sabi ni jill tumatawa daw ako kasi hindi umiikot ang UP ikot. napaisip si ikay ng ilang segundo.) eh di ba umiikot yun?
(tawa na naman)
~~
MOMENT 6:
norvim: nakita ko na yung sched natin sa summer sa crs, 7:30 to 9:30 tayo sa lec, tapos 12 to 4 sa lab.
clang: hala. pamatay na naman na sched.
jill: 5 am ako aalis sa bahay ko!
clang: everyday ba?
norvim: MTWThF.
ikay: ha? ano yun?
norvim: in short, monday to friday.
ikay: M...W...T...ano ulit?
norvim: (tawa ng tawa) MTWThF.
ikay: MW?
(namumula na kami sa kakatawa)
~~
alam ko, mababaw ang mga iyon.
pero kasalanan ko ba?
idadagdag ko pala yun sa listahan ko.
6. Bababaw ang kaligayahan mo.
...............................
kahapon kasi to. kulit namin sa medcaf. basta bgla na lang kaming hyper. hahaha. kulang pa nga yan meron pang natsci class:
NOT ALL THAT GLITTERS ARE FROTHY GLASS
hahaha
wala lang...
tapos ako sa jeep...
"bayad po (sabay abot ng 6 pesos)"
"istudyante?"
"opo (alangan namang senior???)"
................................
ang gulo sa may monumento. sinara na nila ang grand. si recom kasi eh. mmmm... may dahilan kaya dun ang rivalry between victory-grand? ooohhh..
may sentimental value pa man din sakin ang grand. un kasi ang kinamulatan kong pasyalan. hahaha noong nasa malabon ba ako, nung sobrang bata pa ako, nuong muka pa akong inosente, grand na talaga pasyalan ko pag gusto ko lang mamasyal. kasi malayo na ang sm north edsa para sakin, auq sumakay ng bus, galit ako sa bus kasi nahihilo ako.
aww... san na ako bibili ng internet card ngaun?????
...............................
the iraqi who threw his shoes on bush was sentenced to be imprisoned for three years, while bush who ordered missile bombs to be thrown on Iraq didn't even touch the bars. o.O
...............................
pinapaulit-ulit ko ang bad habit ng the dresden dolls. nakakaadik.
spells' results by 10:20 PM