Thursday, March 26, 2009
arbitraryong kaganapan
tapos na ang mga exams!! well, almost. magpafinals na lang sa histo at sa chem (sana maexempt na ako), tapos research paper na lang sa Kom. Madami pa ba? hindi na masyado,,, makakatulog na din ako sa wakas!
teka, pics muna:
prof robi with PH students
siya fave kong prof ngayong sem. paano kasi naappreciate ko na ang chem ngayon. nasabi ko na ba dati na hindi ko talaga gusto ang chem. magaling naman yung teacher ko nung hs sa magturo, pero di ko lang talaga maappreciate. cguro dahil hindi ako makasunod sa lesson. kaya ayun, buti na lang napilitan akong maappreciate ang chem14,, madami pa kaya akong chem na pagdadaanan. kaso magreresign na daw si prof eh. :(
madami pa kaming mga quotable quotes ngayon eh! wait lang iisipin ko muna...
sino kayang magpopost at icocopy ko na lang?
:P
.........
nakakaasar yung nagproctor samin nung exam sa chem lab. grrrrr... isa pang grrrrr. nakakairita. tapos baka siya pa maging profko sa summer sa lab!!
napanuod ko na saw 5. konti na lang yung role ni jigsaw.. pero maganda pa din! woohoo aantayin ko yung saw 6.
.........
madam wicca na tawag nila blockmates sakin. hahaha. gaya nga ng sinabi ko, kapag sinabihan ako ng mukha akong witch, pasasalamtan pa kita... :))
.........
and do you know that kissing burns twelve calories per five-second episode? three passionate kisses a daw will help you lose one pound! o.O research paper namin yan sa chem.
.........
ang panget ng speaker ko. nakakaasar. di ko tuloy matapos yung kalahati ng black symphony.
pero napanuod ko ung isa pang kalahati. at ang masasabi ko,,, grabe sobrang majestic. at gusto ko din ng one cold winter's night ng kamelot. ang galing din nila pag live!
march 26 ngayon... ahihihi
spells' results by 9:52 AM
Wednesday, March 18, 2009
in quest for rocks
ang adik kahapon. ang benta ng araw na yun.
exam ko sa geo kahapon. sir tabin, mahirap po. ayoko ng dobleng true or false. tae, nakakalito, imbis na 2 lang yung pagpipilian kong sagot, naging apat pa.
tapos deadline na rin kahapon ng crystals at rock samples. akala ko kumpleto na kami. yun pala igneous rock lang. so ayun, natatakot ako kasi di talaga ako sanay magpasa beyond the deadline.
buti na lang mabait si prof, pumayag siyang installment yung pagpasa.
so anong ginawa namin?
pumunta kami ng mall. at nagtanong ng "Ate, may bato po kayo?" or "ate anong klaseng bato po ito?"
at napadaan kami sa isang hardware. hindi sila nagtitinda ng marmol. sayang, metamorphic pa man din yun. pero nagtitinda sila ng fountains- at yung fountains na yun may sedimentary rock- mukhang shale, di pumapasa sa tongue test para maging siltstone.
"kuya, pwede po bang amin na lang to?"
"yan lang? sige! bakit?"
"project lang po namin kuya.."
"sige. tago niyo sa bag niyo ah!"
so meta na lang kailangan namin di ba? pumunta kami sa bilihan ng mga galing sa Boracay. May serpentinite dun! Hiningi ni Dime, nde binigay sa kanya.
Kaya buong grupo kaming nagmakaawa para sa batong iyon. kaya ayun, nabigay din sa wakas.
so yung igneous rock namin galing mayon at taal. yung iba galing rob.the best place to look for rocks. libre pa. :))
.......................................
ang hot ni roy khan.
yung vox ng kamelot.
naeenchant ako ng boses niya. di ko trip ang boses ng guys pero grabe, sobrang naeenchant ako sa boses niya.
kaya pinapaulit-ulit ko yung memento mori bago ako matulog. imagine, si roy khan ang kumakanta ng lullaby ko. :))
spells' results by 9:36 PM
Friday, March 13, 2009
bago ang lahat, igigreet ko muna si Dionis ng maligayang bati! 18 na siya. ewan ko lang kung napapasyal siya dito sa blog ko. pero salamat sa brooklyn pizza :D
mahalaga! hindi ako gumawa nito,, si clang talaga... hiniram ko lang.. :D eto site niya:
marami ang mga posibleng epekto ng pag-aaral ng hardcore sa UP, partikular na sa UP manila.
1. lolobo ang eyebags mo.
2. magkakaroon ka ng rayuma o at least isang form ng sakit sa katawan.
3. lalabo ang mata mo.
4. papayat ka ng sobra o tataba ka. (choose one lang)
5. ang mga moments tulad nito:
SA MED CAF:
MOMENT 1:
jill (tungkol sa kom term paper): siniguro ko kasi na bago ko piliin yung topic, may source na ako.
clang: ano nga uli yung topic mo?
jill: yung tungkol sa mga mangkukulam. pero hindi ko sila tatawaging ganun. 'wicca' ang itatawag ko sa kanila. hindi ko sila tatawaging witch o wicca.
norvim: ha? eh ano itatawag mo sa kanila?
(tawa tawa tawa)
~~
MOMENT 2:
norvim: naku, pano yan, wala tayong ipapasang crystal. tayo nalang ang group na wala pang ipapasang crystal.
jill: may natitira bang hindi nadissolve na tawas dun sa supersaturated solution mo?
norvim: oo.
jill: eh dapat tanggalin mo sila. sila yung nag-aabsorb nung tawas na dapat dumikit sa crystal mo. sila yung umaagaw.
norvim: aba, eh putang ina palang mga crystals yan! naku, patay sila sakin pag-uwi ko!
(tawa na naman)
~~
MOMENT 3:
ikay: alam nyo yung website na parishilton.com?
clang: hindi, ano yun?
ikay: kasi dati, blog siya.
norvim: eh ngayon?
ikay: blog pa din siya.
(tawa ulit)
~~
MOMENT 4:
clang: naku, pano yan, wala daw lrt.
jill: kaya nga daw eh.
clang: pano tayo makakauwi?
jill: meron yan. nakasakay pa ako kanina papuntang pedro gil eh. ewan ko lang.
norvim: meron yan, ewan ko lang?
(hagalpak uli sa tawa)
~~
MOMENT 5:
clang: pupunta ba ako sa laro nyo sa upd sa sunday?
norvim: oo, pumunta ka.
jill: san ba yung sunken garden?
tanya: basta sumakay ka lang sa UP ikot.
jill: eh di ba sarado yun pag sunday?
tanya: hindi naman siya umiiikot eh, hndi umiikot dun sa oval.
clang: (tawa ng tawa) hindi umiikot ang UP ikot?
ikaw: (tinanong kay jill kung ano yung tinatawanan ko, sabi ni jill tumatawa daw ako kasi hindi umiikot ang UP ikot. napaisip si ikay ng ilang segundo.) eh di ba umiikot yun?
(tawa na naman)
~~
MOMENT 6:
norvim: nakita ko na yung sched natin sa summer sa crs, 7:30 to 9:30 tayo sa lec, tapos 12 to 4 sa lab.
clang: hala. pamatay na naman na sched.
jill: 5 am ako aalis sa bahay ko!
clang: everyday ba?
norvim: MTWThF.
ikay: ha? ano yun?
norvim: in short, monday to friday.
ikay: M...W...T...ano ulit?
norvim: (tawa ng tawa) MTWThF.
ikay: MW?
(namumula na kami sa kakatawa)
~~
alam ko, mababaw ang mga iyon.
pero kasalanan ko ba?
idadagdag ko pala yun sa listahan ko.
6. Bababaw ang kaligayahan mo.
...............................
kahapon kasi to. kulit namin sa medcaf. basta bgla na lang kaming hyper. hahaha. kulang pa nga yan meron pang natsci class:
NOT ALL THAT GLITTERS ARE FROTHY GLASS
hahaha
wala lang...
tapos ako sa jeep...
"bayad po (sabay abot ng 6 pesos)"
"istudyante?"
"opo (alangan namang senior???)"
................................
ang gulo sa may monumento. sinara na nila ang grand. si recom kasi eh. mmmm... may dahilan kaya dun ang rivalry between victory-grand? ooohhh..
may sentimental value pa man din sakin ang grand. un kasi ang kinamulatan kong pasyalan. hahaha noong nasa malabon ba ako, nung sobrang bata pa ako, nuong muka pa akong inosente, grand na talaga pasyalan ko pag gusto ko lang mamasyal. kasi malayo na ang sm north edsa para sakin, auq sumakay ng bus, galit ako sa bus kasi nahihilo ako.
aww... san na ako bibili ng internet card ngaun?????
...............................
the iraqi who threw his shoes on bush was sentenced to be imprisoned for three years, while bush who ordered missile bombs to be thrown on Iraq didn't even touch the bars. o.O
...............................
pinapaulit-ulit ko ang bad habit ng the dresden dolls. nakakaadik.
spells' results by 10:20 PM
Sunday, March 8, 2009
walang pamagat. random lang eh
ang cute ni amanda palmer at ni neil gaiman. parody yata yan ng american gothic, if i'm not mistaken. ang tagal naman ng big book of wkap. i'm so excited pa naman...
anyway, inaantok na ako. sobra. nagpakanocturnal ako kahapon eh.. (3am na ngaun), tapos hanggang ngaun nox pa din.. panu kasi dep ex kanina kaya aun.
dapat ginagawa ko na ngaun ung genogram ko eh... kaso kulang pa sa pics, madami aqng relatives na camera shy eh.. sabi ko gagawin ko na din ung layouts,,, kaso nitatamad pa ako.
may sinusulat akong short story.. ewan ko kung tatapusin ko. may pagkafeminist un. ay inde, ala pala ung 'pagka', feminist talaga. haha nagsimula lang sa isang idea nung nasa isang oras na byahe ako papuntang balon bato. dun naman nagsisimula ang lahat eh, contemplation... at aun, contemplate ng contemplate, nahihilo na ako. tae talaga.
may mga pamatay na lines na akong naiisip eh, may ending na nga eh. kaso nitatamad nga ako. at madami pa akong ginagawa.
ay inaantay ko ung crystal ko nasa freezer,, sana talaga wag matunaw ung seed crystal.. kaso may mga maliliit na crystal na nakikipagcompete sa seed ko eh.
magreresyn na daw c prof robi. awwww... balak ko pa naman siya lang lahat ng chem ko... hahaha
anu pa bang ilalagay ko???
nitatamad akong maglagay ng contemplations. :P huwag na, sa utak ko na lang lahat un,,
antok na talaga ako!!!!!!!!!!!
spells' results by 2:25 AM