Sunday, December 28, 2008
Sinong Icon mo?
Ayon sa isang artikulo sa wikipedia na hindi masyadong reliable ang sources, ang iconolatry ay ang pagsamba sa mga imahe o larawan. Mula ito sa mga Griyegong salita na eikon na ang ibig sabihin ay larawan at latreia na ang ibig sabihin naman ay pagsamba.
Marahil, masasabi kong tradisyonal ang iconolatry na may relasyon sa relihiyon. Tulad niyan ang pagsamba sa mga Santo at santa, mga larawan ni Hesus at kung anu-ano pang mga holy relics. May mga nagsasabi na ang ganitong iconolatry ay hindi maganda dahil ito ay labag sa nasusulat sa bibliya.
Mahabang usapan ang ganitong uri ng iconolatry. Baka hindi magkasya sa blog ko kaya ang pag-usapan na lang natin ang makabagong iconolatry.
May nakita kang isang artista. Wow. Ang ganda niya. Ang husay pa niyang umarte. Bumili ka ng kanyang mga poster. Pinuno mo ang kuwarto mo ng mga posters niya. Gusto mo ding maging katulad niya. Siya ba ay isang icon?
Nakita mo ang isang gitarista ng banda. Namangha ka. Bumili ka ng mga posters niya. Inabangan mo ang gigs ng banda niya. Inabangan mo din ang mga albums na ginawa niya. Pati ikaw, bumili ng gitara, nagdownload ng guitar tabs ng mga kanta ng banda niya at tumugtog. Balak mo na din gumawa ng mga banda. Siya ba ay isang icon?
Naalala ko tuloy ang kinukwento sa akin ng dati kong guro sa Filipino. Nung kapanahunan niya, usung-uso daw ang pag-iidolo sa mga basketball players. Bumili siya ng mga memorabilia, at pinakagusto niya ay iyong life-sized na larawan ng player. Sila ba ay mga icon?
Ang makabagong icon ay hindi na tungkol sa relihiyon. Tungkol na ito sa mga ordinaryong taong nakikita nating magandang tularan. Gusto natin ang kanilang itsura, ang kanilang mga nagagawa kaya kung minsan gusto nating maging sila.
Ang masa ay pumipili ng kanilang icon. kalimitan ang napipili ay iyong sobrang sikat at may nagawang mabuti para sa masa. tulad na lamang ni Manny Pacquiao na nakapagbigay sa masa ng sense of nationalism. Kaya naman si Pacman ay icon ng mga Pilipino. Nirerepresenta niya ang mga Pilipino hindi lamang sa mga laban niya kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng pamumuhay niya.
Pero ang mga makabagong icon ay short-lived o panandalian lamang. Kapag wala na sa kasikatan ang isang personalidad, nawawala na ang mga taga-hanga niya. wala ng magpri-print ng posters niya. Wala nang bibili ng albums niya.
Kung dapat kaiinggitan ang mga icon, depende sa iyo iyon. Kung gusto mong maging simple ang iyong buhay ang sumamba din sa mga icon, hindi mo kailangan kaiinggitan ang pagiging icon. Pero kung gusto mo ng panandaliang kasikatan at maraming posters na mawawala din, marahil naiinggit ka na ngayon sa mga modernong icons.
mood today: tinatamad kahit madami pang dapat gawin
reading: rebecca,pero tinatamad pang magbasa ulit
listening: vain city chronicles ng the crest
eating: danish style cookies!
spells' results by 5:01 PM
Sunday, December 21, 2008
iyan. iyan ang bagong itsura ng kapatid ko. may semento at bakal sa kamay.
ganito kasi yun. after ng christmas party nila, tinamad pa siyang umuwi. kaya tumambay muna sa school with his barkada.
eh maharot, nangharot sa classmate niyang gurl. sinabihan ba naman ng "j***** bakulaw, kili-kili powers.." adeek noh? tapos ewan ko kung anong nangyari na sumunod. basta hawak yung kamay niya nung gurl (uy, holding hands) tapos binitawan siya. nung binitawan siya ayun, nadulas. sobrang tindi ng pagkadulas, nadislocate yung buto sa kamay.
hindi tuloy nakapgx'mas party si mama. sinamahan niya si li'l bro sa ortho.
at pagdating daw sa ortho, umiral ang kaduwagan ni li'l bro. naglulumpasay. ayaw niya ipagalaw ang kanyang mga kamay kapag hindi siya unconscious. so nagrequest siya na patulugin siya. walang binatbat ang mga nanay na kasabay niya sa pakikipagdebatehan sa kanya. (trained ko yata yan sa pangangatwiran :P)
ayun, nakauwi sila ng midnight na. ako tuloy ang nurse ni li'l bro. ako nagtutoothbrush sa kanya. ako naglilinis ng sugat niya. ingatan daw na huwag malagyan ng surot ang kanyang plaster cast.
....
ang hot ni Agent Sands sa Once upon a time in Mexico. portrayed by Johnny Depp, siyempers. ang ganda pa ng mga hirit ng psychong bulag:
Have you ever seen one of these? Have you ever used one? Don't ever because, they're very very bad. But right now I need you to aim it at the bad guy who's following us, and shoot him in the head.
Are you a Mexi-CAN or a Mexi-CAN'T?
[Hands the bar keep a lunch box] I couldn't find a briefcase small enough for 10,000 dollars.
That spill just cost you your life.
I want you to have a bite of my pork.
My name is Sheldon Jeffery Sands. I work for the Central Intelligence Agency. I throw shapes. I throw shapes, I set them up, I watch them fall. I'm living la vida loca.
....
ang saya ng owwa-ncr scholar's xmas party!!! nanalo ako ng desk fan. wahahaha
katuwa yung game. bakat, curacha.. LOL
paano ko nauwi? binuhat ni kuya jomar yung fan hanggang lrt. (salamat po). tapos, nakipagsiksikan ako sa woman's cabin sa lrt. sinakay ko ng jeep pagdating monumento. ayun..
next time naman!
spells' results by 9:10 PM
Thursday, December 4, 2008
crazy about connolly!
natapos ko kanina yung the book of lost things. Kanina means 1:15 am. Nagstay ako hanggang madaling araw para tapusin ang libro ni john connolly...
ewan ko kung book review ba itong pinopost ko. basta random thoughts na related dun.
pero una sa lahat, sino si connolly?
si john connolly ay isang author (bestselling daw) na nakapagpublish na ng ilang novels at isang collection ng short stories. di ko alam ung exact number ng novels eh.
nakilala ko si connolly sa nbs. sale kasi, kaya ung the black angel ay nabili ko for 30 pesos. Ngayon yata balik 300 pesos na ang ganun kagandang novel.
ung the black angel ay isa sa charlie parker series. charlie parker is a detective. tapos ayon, may halong supernatural ang suspense/thriller na iyon. maganda naman yung kwento pero nakulangan pa ako.
like i said, meron siyang book ng short stories. nocturnes. maganda, mala-edgar allan poe. ang freaky ng mga kwento pero di naman maxadong gross tulad ni stephen king. medyo dark na gaiman siguro.
at ngayon natapos ko na ang the book of lost things. sobrang nagandahan ako. feeling ko nandun pa din ako sa world ng twisted fairy tales. naiwan ako. as in napanaginipan ko pa ang mga wolves kaya un ung unang entry ko sa aking dream journal sa psych.
gaiman in the making si connolly kung itutuloy nia ung mga ganitong novels. pero may something sa sinusulat ni connolly na hindi ka papayagang bitiwan mo yung book. so ayun. grabe, sobrang lakas talaga ng effect sakin nun, lalo na laking fairy tales ako.. haha
ayun lang!
...
may nakita na naman akong bagong band. amberian dawn. ang ganda ng boses nung babae, mala-epica sila. kaya gusto ko nun. at pagnagtorrent naman ako, kelan kaya ako matatapos???
at gusto ko din ng diablo swing orchestra!!! pinakamagaling na soprano sa metal ang vocalist nun.. :P
hay..
spells' results by 8:02 PM
Monday, December 1, 2008
Higit Pa Sa Alamat
Marahil ang mga kilala nating superheroes ngayon ay sila superman, batman, spiderman at kung sinu-sino pang may kapa at naka-maskara. Kalaban nila ang mga halimaw na hindi naman lalabas kung wala talagang superhero. Nilalabanan nila ang mga nagbabadyang manira ng mundo.
Pero kilala niyo ba si Bernardo Carpio? Siya ang minsa'y sumikat na bayani. Malamang ay naniwala pa ang mga tao noon na siya ay hindi lang alamat kundi isang tunay na bayani.
Maraming alamat na nagkukwento ng kasaysayan ni Bernardo. Ayon sa isang bersyon, si Bernardo daw ay anak ng mahirap na mag-asawa. Dahil mga huwaran ang mag-asawa na iyon, ang kanilang anak na si Bernardo ay biniyayaan ni Bathala ng kakaibang kapangyarihan. Maikukumpara siya kay Hercules ng mga Griyego.
Ang nagbigay ng pangalan ni Bernardo Carpio ay isang pari. Hango ito sa kapangalan niyang alamat din sa Espanya. Ito ay nagbabadya na mamumuhay din siya sa isang alamat.
Napili siyang mamuno sa himagsikan laban sa mga Kastila. Dahil sa takot ng mga Kastilang sila ay matalo, humingi sila ng tulong sa isang engkanto. Kaya si Bernardo Carpio ay nahuli nila sa kanilang patibong. Naipit siya sa dalawang nag-uumpugang bato sa isang kweba. Hindi siya matulungan ng mga tao. Kapag ginagalaw niya ang kanyang balikat, nagkakaroon ng lindol.
Si Bernardo Carpio ay naging simbolo ng kalayaan nuong tayo ay sakop pa ng mga dayuhan. Nuong 1940, naipon ni Damian Eugenio ang iba't ibang bersyon ng alamat ni Bernardo. Sinasabi nito na sa oras na makawala si Bernardo Carpio, siya ag magtatanggol sa mga Pilipino sa paghihirap at pagiging alipin.
Maaaring si Bernardo ay isang alamat lamang. Maaari ring may nabuhay talaga na isang tao na ang pangalan ay Bernardo at inasahan na magiging tagapagligtas mula sa mga dayuhan. Pero sa tingin ko, si Bernardo ay isang simbolo ng mga Pilipino.
Unti-unting natatanggal ang mga kadena niya. Unti-unti ring lumalakas si Bernardo. darating ang araw na madudurog niya ang dalawang malalaking bato. Darating din ang araw na katulad ni Bernardo, makakaahon ang mga Pilipino. Hindi niya kailangan ng tagapagligtas, siya mismo ang magliligtas sa sarili niya. Ang mga Pilipino ang magliligtas sa Pilipinas.
Sino nga ba ang nangangailangan ng kapa, maskara at superpowers?
spells' results by 2:05 PM
Dihydrogen Oxide
Noong Sabado, sumama ako kay mama sa Novaliches. Sinilip ko kung ano na ang progress sa kanyang pingagawang bahay.
Sabi niya, lilipat na daw kami sa January 8.Ibig sabihin, iiwanan ko na ang Potrero, Malabon City. Mahigit 15 years na din akong ikinankanlong ng Malabon. Hello Novaliches na.
Pero bago pa ang lipatan mangyari, may away muna.. hahaha
Ganito kasi yun. Sa mga nakaraang buwan, umaabot ng 800 pesos ang bill namin sa tubig. Hello, apat na tao lang kaya kami sa loob ng bahay, ano kami, may swimming pool?
Tapos yung kapitbahay namin, na nagkataon ding may-ari ng bahay (nakikiupa lang kami), ay 200 pesos lang ang babayaran sa tubig samantalang tatlong pinto ang nagsheshare sa isang metro. Siguro, hindi naliligo yung mga yun.. hehehe
Ang ginawa ni mama, tumawag siya sa Maynilad. Dumating naman ang mga Maynilad Boys in no time. Tinignan nila ang metro. Sabi nila, nagkapalit daw kami ng metro saka nung kapitbahay namin. So, si Mama, although alam niya namang iyon talaga ang makikita ng Maynilad Boys, ay nagalit. Siyempre, kasi ang inaabot nila saming resibo ay yung pang sampung tao at kami ang nagbabayad ng pinangpapanligo ng kapitbahay. Kulang na lang, manghingi sila ng shampoo.
Kinausap ngayon ng kapitbahay si Tita. Wala kasi si mama, nasa trabaho. O baka ayaw lang talaga nila harapin si mama. Pagdating ni mama sa bahay, saka niya hinarap ang aming neghbors. Hindi ko nga lang alam ang detalye kasi nasa UP pa ako nung mga panahong iyon. Pero nagkasagutan daw sabi ng kapatid ko. Ang unang resolution: babayaran daw nila friendly neighbors ang bill ngayon pati na yung mga past bills.
Then, one day, habang nag-eenjoy kami mag-grocery ni mama, sumugod itong si mrs. neighbor kay tita. Nasaksak yata ng matalas na dila ni mama, bleeding to death.
Pagkatapos noon, kumuha yata ng private detective sila neighbor at pinatignan ulit yung metro. Ang conclusion: yung number daw ng metro na mahal ay katulad ng sa bill namin sa tubig. Ewan. Magulo eh. Basta nabaliktad. Samin ulit yung mahal na bill.
Kaya ayon, kami pa din ang magbabayad ng mataas na bill...
ano ang final conclusion??
I therefore conclude na hindi talaga naliligo ang kapitbahay at may secret swimming pool kami sa basement. That's why 800 pesos ang bill namin. :D
spells' results by 1:48 PM