Sunday, November 23, 2008
Kailangan bang pumili?
Kahapon, nakinig kami ng forum sa LT. At dahil sosyal ang KOM II naming, hindi na kami kailangan magpasa ng reaction paper. Ipost na lang daw sa kanya-kanyang blog. Hehehe..
Ang title ng forum ay Survivor Philippines: outwit, outplay, outlast this tyrant. Ang catcy ng pamagat, galling kasi ito sa sikat na reality how sa ibang bansa na ngayo’y inadapt nating mga Pilipino. Pero ang forum na ito ay walang kinalaman sa mga nangyayaring gulangan sa chalam tribe kundi sa realidad na nangyayari sa bansang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng isang tyrant. Dito, kinakailangan makasurvive ng bawat isa mavote-out ang dahilan ng kahirapan.
Sa mahigit na pitong taong pamumuno, anu-ano na nga ba ang nagawa ni Madam? Ang sabi nia, ramdam daw ang kaunlaran. Totoo naman eh, ramdam nga ang kaunlaran… ng mga nasa upper class. Sorry na lang sa masang kumakayod ng todo-todo pero nasa kahirapan pa din.
Wait, sino bang may sabing walang nangyari sa pitong taon? Marami kaya! Mga palpak na proyekto, kabi-kabilang iskandalo at mga paraan sa pagpapalawak sa termino ng pangulo. Malapit na kasi ang 2010 eh, kailangan gumwa na siya ng paraan para marami pa siyang “magawa” ulit. Sabi nga ng isang speaker, ang motto niya dapat ay “Gloria Forever”. Kunwari pa siyang nahiya at nagblush sa scripted na dasal ni Dureza.
Maraming nagsasabi na ang mga rally na iyan ay wala naman talagang naidudulot. Ang mga ganitong aktibidad daw ay hindi naman daw napapansin na. Wala nang apekto sa bulag na gobyerno. Pero ang sabi nga ng Philo I Prof ko, sa pamamagitan ng pangangalampa na ito, naipahihiwatig ng mga tao ang kanilang damdamin. Naipahahayag nila na may mga taong nag-ooppose sa mga nangyayari at nagnanais ng pagbabago.
Kaya ang mga forum na ito ay dapat talagang hinahatid sa mga istudyante. Madali kasing mamulat sa katotohanan ang mga mag-aaral. Madali nilang marerealize kung ano talaga ang nangyayari sa likod ng mga tarpaulin na “Ramdam ang Kaunlaran”. Pero sa aking opinyon, hindi lang dapat ang mga istudyante ang nakikinig sa mga forum na katulad nito. Dapat ay lumalahok ang mas malaking audience upang mas marami ang mamulat. Maraming istudyante ang maaaring mulat na sa katotohanan ngunit hindi mailahad talaga ang dadamdamin. Maaari silang pigilan ng kanilang mga magulang. Hindi naman natin masisisi ang mga magulang kung matakot silang lumahok ang mga anak nila dahil alam nila na sa mga rally ay may marahas na dispersion at ang mga nagiging sobrang outspoken ay nabibilang sa mga desaparasidos. Ngayon, nasa istudyante na ang desisyon kung siya ba ay makikiisa sa mga ganitong aktibidad o pipiliin niya na lamang manahimik kahit na alam niya na kailangan ng bansa ang mga taong mulat na.
spells' results by 3:30 PM
Wednesday, November 19, 2008
bagong buhay!
ito ang aking ika-anim blog. hahaha. madami na kasi akong naging blog. lahat iyon nawala na. i mean, lahat iyon napabayaan ko na. ganoon talaga kapag walang exciting na nangyayari sa buhay ng isang tao...
actually, pang-lima ko pa lang itong blog na 'to. Kaso tinapon ko na lahat ng mga naunang nakalagay dito. Masyado kasing personal iyong mga dating posts. Kaya ito na lang, ni-revive ko at pwede nang basahin ng kahit sino. hehehe
aayusin ko pa 'to. di pa matino.. pero some other time na.. nakakatamad pa eh.. :PLabels: bago, blog, buhay, opening
spells' results by 7:45 PM