Friday, April 17, 2009
bad trip ako.
ggggggrrrrrrrrrrrrrrrrr!!
paano kasi may mga prof... ay hindi pa pala siya prof, ala pa siyang degree na ganun kaso nagpupumilit lang siyang prof. he doesn't look like one. he doesn't think like one and he doesn't act like one.
tama bang abusuhin ang academic freedom?
.:. hindi academic freedom yun, academic stupidity tawag dun
.:. hindi nga academic yun eh, plain stupidity lang talaga
"huwag kang feeler"... bakit di niya sabihin yan sa salamin?
ggrr...
ang terror teacher (or prof) nakakatakot... ikaw nakakairita..
at anung basis mo magbigay ng kwatro kung kasisimula pa lang ng klase? gusto mong ma-OSA at malaman nila nanagdedemerit ka dahil trip mo lang at nababribe ka ng turon?
bigyan kaya kita ng radioactive turon????
GGGGGGRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!
spells' results by 3:56 PM
Sunday, April 12, 2009
happy easter everyone! pero bakit wala akong nakitang nagpapa easter egg hunt?
new blogskin ang drama ko ngayon. di talaga kasi ako makaget-over sa Enchant ni Emilie Autumn so kinailangan ko ng outlet nitong kacheesyhan na 'to. maganda naman kinalabasan- isang cheesy na blogskin. yung title at yung line sa stat bar ay from Juliet, a song from Enchant.
tapos na ang sem. that means... pwede na akong mag-English sa blog ko hanggang sa magsawa ako. pero akit taglish pa din post ko? di ba sabi ng iba ang TagLish daw ay isang insulto sa English at Filipino?
i don't care! blog ko to.. haha evil. hindi, kasi kapag nagpure akong English or purong Filipino yung post ko, hindi ko masyadong naeexpress yung sarili ko. eh di nadedefeat ang primary purpose ng blogging. kapag ginamit ko ang language kung san ako komportable, mas maipapakita ng choice of words ko yung emotion ko nung sinusulat ko yung post. ayan na, nanonosebleed ako sa mga pinaglalagay ko.
so anung ginawa ko ngayong holy week?
mmm... nanuod ng mga inspirational tv shows. ngayong easter sunday pa lang ung resume ng regular tv programming. so nagsawa ako sa santino sa ch 2, nanuod ng ten commandments sa 23, at chocolat!
weee! ganda ng chocolat. nandun si johnny depp kaya must-see. hehe joke lang. maganda yung kwento. di ko makalimutan yung line na "we don't measure goodness by what we deny ourselves, by what we resist or what we include but by what we embrace, what we create or what we include." inspiring noh?
tapos.. pumunta kami sa Our Lady of Lourdes shrine nung Maundy Thursday. Grotto tawag dun. May spring sa likod ng shrine- sacred daw yung water dun. Nagsimba kami tapos pilgrimage. Anung Pilgrimage? Sa likod din kasi nun may cavalry kaya for the first time in my seventeen years of existence, naranasan ko na rin magstation of the cross.
ayan, may kwenta ang holy week ko. basta iba tong holy week na to kaysa sa ibang naging holy week na. may kakaiba dito. parang mas nakapagcontemplate ako ngayon...
at natapos ko na ang The Dante Club ni Matthew Pearl. Tungkol yun sa translation ng Inferno ni Dante Alighieri tapos hinaluan ng murder mystery. Enjoy naman- dapat lang, summa cum laude ng harvard si Pearl. Kaya i read Inferno along with it- to familiarize myself with the circles of hell para di ako maligaw. XD
natapos ko na din ang perfume: the story of a murderer by patrick suskind. nagustuhan ko rin to- ilove it. tungkol yun kay Grenouille (mali yata spelling ko) na may sensitive na olfactory receptors or sense of smell. nagamit niya yun sa perfumery pero ang pinakagusto niyang amoy ay yung amoy ng mga kababaihan reaching adolescence. gusto niyang ipreserve yung amoy nun at gamitin kasi wala siyang amoy- and he killed 25 young girls in the process.. cute noh?
haay... patapos na ang bakasyon ko. may pasok na naman ako sa Tuesday. Summer classes.. Arawaraw na 7:30 to 4... aalis ako ng bahay ng 5:30, makakarating ng 6.. musta naman ang twelve hours na wala sa bahay di ba? ganun talaga. si prof li ang prof ko sa lec. sana masaya naman- kais maraming nagsasabi na best chem prof si prof li. i'd still miss prof robi, though.
at mayroon akong isang malaking dilemma. puro itim yung damit ko- ang init pa naman sa lab! tanghaling tapat pa naman... grrrr!
spells' results by 8:10 PM
Friday, April 3, 2009
Enchanted by Enchant
Meet me beneath my balcony and say
No one but you could ever fill my night
Be the sunlight in my every day
Underneath my balcony I'll say
No one but you could ever fill my night
Be the sunlight in my every day
-Juliet, Emilie Autumn
Nakilala ko si Emilie Autumn nung naghahanap ako ng CD na ipapaburn ko kay Jorelle. Sabi ko gift nia sakin nung 4th year pa kami. So, nakita ko na shared file ung Opheliac. Mukang interesting kaya ayun, pinaburn ko.
And what can I say. Ang talented ni Ms. Autumn. Violinist, Seamstress, Model, Singer, Songwriter, Poet, Author... Ang konti ng talents niya, ano? Mas magaling siya kaysa sa ibang Violinist, Seamstress, Model, Singer, Songwriter, Poet at Author diyan.. haha
Sa Opheliac, nandun ung dark side ni Emilie Autumn. Mababaw lang yung choice of words niya pero deep yung meaning. It shows me how complicated reality is. Gothic plus Feminist. Kaya madali akong naadik.
Dito, battered ang violin niya pati ung throat niya kakasigaw.. galit siya, insane, ma-pride...
So dinownload ko din yung Enchant. At sobrang nagulat ako nung pinakinggan ko..
Ang mellow. May pagka-POP pa yung ibang songs. not bubble gum pop ah. tapos yung violin pwedeng pang-lullaby. At yung voice niya, akala mo pang-faerie! The songs will bring you to a fairy tale land where you will meet Juliet, Rapunzel and realize that you yourself is either a princess..
May mga songs na romantic pero hindi sobrang cheesy. Pero di mawawala yung feminist side.
Mga kantang nagstand out para sakin: Save you, Across the Sky, What if at Remember. Yung What if yung pinaka... Sobrang magical- napaka-unreal.
Taylor Swift should really have listened first to Autumn's Juliet. baka mahiya siya sa Love Story niya...
spells' results by 6:51 PM
Thursday, March 26, 2009
arbitraryong kaganapan
tapos na ang mga exams!! well, almost. magpafinals na lang sa histo at sa chem (sana maexempt na ako), tapos research paper na lang sa Kom. Madami pa ba? hindi na masyado,,, makakatulog na din ako sa wakas!
teka, pics muna:
prof robi with PH students
siya fave kong prof ngayong sem. paano kasi naappreciate ko na ang chem ngayon. nasabi ko na ba dati na hindi ko talaga gusto ang chem. magaling naman yung teacher ko nung hs sa magturo, pero di ko lang talaga maappreciate. cguro dahil hindi ako makasunod sa lesson. kaya ayun, buti na lang napilitan akong maappreciate ang chem14,, madami pa kaya akong chem na pagdadaanan. kaso magreresign na daw si prof eh. :(
madami pa kaming mga quotable quotes ngayon eh! wait lang iisipin ko muna...
sino kayang magpopost at icocopy ko na lang?
:P
.........
nakakaasar yung nagproctor samin nung exam sa chem lab. grrrrr... isa pang grrrrr. nakakairita. tapos baka siya pa maging profko sa summer sa lab!!
napanuod ko na saw 5. konti na lang yung role ni jigsaw.. pero maganda pa din! woohoo aantayin ko yung saw 6.
.........
madam wicca na tawag nila blockmates sakin. hahaha. gaya nga ng sinabi ko, kapag sinabihan ako ng mukha akong witch, pasasalamtan pa kita... :))
.........
and do you know that kissing burns twelve calories per five-second episode? three passionate kisses a daw will help you lose one pound! o.O research paper namin yan sa chem.
.........
ang panget ng speaker ko. nakakaasar. di ko tuloy matapos yung kalahati ng black symphony.
pero napanuod ko ung isa pang kalahati. at ang masasabi ko,,, grabe sobrang majestic. at gusto ko din ng one cold winter's night ng kamelot. ang galing din nila pag live!
march 26 ngayon... ahihihi
spells' results by 9:52 AM
Wednesday, March 18, 2009
in quest for rocks
ang adik kahapon. ang benta ng araw na yun.
exam ko sa geo kahapon. sir tabin, mahirap po. ayoko ng dobleng true or false. tae, nakakalito, imbis na 2 lang yung pagpipilian kong sagot, naging apat pa.
tapos deadline na rin kahapon ng crystals at rock samples. akala ko kumpleto na kami. yun pala igneous rock lang. so ayun, natatakot ako kasi di talaga ako sanay magpasa beyond the deadline.
buti na lang mabait si prof, pumayag siyang installment yung pagpasa.
so anong ginawa namin?
pumunta kami ng mall. at nagtanong ng "Ate, may bato po kayo?" or "ate anong klaseng bato po ito?"
at napadaan kami sa isang hardware. hindi sila nagtitinda ng marmol. sayang, metamorphic pa man din yun. pero nagtitinda sila ng fountains- at yung fountains na yun may sedimentary rock- mukhang shale, di pumapasa sa tongue test para maging siltstone.
"kuya, pwede po bang amin na lang to?"
"yan lang? sige! bakit?"
"project lang po namin kuya.."
"sige. tago niyo sa bag niyo ah!"
so meta na lang kailangan namin di ba? pumunta kami sa bilihan ng mga galing sa Boracay. May serpentinite dun! Hiningi ni Dime, nde binigay sa kanya.
Kaya buong grupo kaming nagmakaawa para sa batong iyon. kaya ayun, nabigay din sa wakas.
so yung igneous rock namin galing mayon at taal. yung iba galing rob.the best place to look for rocks. libre pa. :))
.......................................
ang hot ni roy khan.
yung vox ng kamelot.
naeenchant ako ng boses niya. di ko trip ang boses ng guys pero grabe, sobrang naeenchant ako sa boses niya.
kaya pinapaulit-ulit ko yung memento mori bago ako matulog. imagine, si roy khan ang kumakanta ng lullaby ko. :))
spells' results by 9:36 PM
Friday, March 13, 2009
bago ang lahat, igigreet ko muna si Dionis ng maligayang bati! 18 na siya. ewan ko lang kung napapasyal siya dito sa blog ko. pero salamat sa brooklyn pizza :D
mahalaga! hindi ako gumawa nito,, si clang talaga... hiniram ko lang.. :D eto site niya:
marami ang mga posibleng epekto ng pag-aaral ng hardcore sa UP, partikular na sa UP manila.
1. lolobo ang eyebags mo.
2. magkakaroon ka ng rayuma o at least isang form ng sakit sa katawan.
3. lalabo ang mata mo.
4. papayat ka ng sobra o tataba ka. (choose one lang)
5. ang mga moments tulad nito:
SA MED CAF:
MOMENT 1:
jill (tungkol sa kom term paper): siniguro ko kasi na bago ko piliin yung topic, may source na ako.
clang: ano nga uli yung topic mo?
jill: yung tungkol sa mga mangkukulam. pero hindi ko sila tatawaging ganun. 'wicca' ang itatawag ko sa kanila. hindi ko sila tatawaging witch o wicca.
norvim: ha? eh ano itatawag mo sa kanila?
(tawa tawa tawa)
~~
MOMENT 2:
norvim: naku, pano yan, wala tayong ipapasang crystal. tayo nalang ang group na wala pang ipapasang crystal.
jill: may natitira bang hindi nadissolve na tawas dun sa supersaturated solution mo?
norvim: oo.
jill: eh dapat tanggalin mo sila. sila yung nag-aabsorb nung tawas na dapat dumikit sa crystal mo. sila yung umaagaw.
norvim: aba, eh putang ina palang mga crystals yan! naku, patay sila sakin pag-uwi ko!
(tawa na naman)
~~
MOMENT 3:
ikay: alam nyo yung website na parishilton.com?
clang: hindi, ano yun?
ikay: kasi dati, blog siya.
norvim: eh ngayon?
ikay: blog pa din siya.
(tawa ulit)
~~
MOMENT 4:
clang: naku, pano yan, wala daw lrt.
jill: kaya nga daw eh.
clang: pano tayo makakauwi?
jill: meron yan. nakasakay pa ako kanina papuntang pedro gil eh. ewan ko lang.
norvim: meron yan, ewan ko lang?
(hagalpak uli sa tawa)
~~
MOMENT 5:
clang: pupunta ba ako sa laro nyo sa upd sa sunday?
norvim: oo, pumunta ka.
jill: san ba yung sunken garden?
tanya: basta sumakay ka lang sa UP ikot.
jill: eh di ba sarado yun pag sunday?
tanya: hindi naman siya umiiikot eh, hndi umiikot dun sa oval.
clang: (tawa ng tawa) hindi umiikot ang UP ikot?
ikaw: (tinanong kay jill kung ano yung tinatawanan ko, sabi ni jill tumatawa daw ako kasi hindi umiikot ang UP ikot. napaisip si ikay ng ilang segundo.) eh di ba umiikot yun?
(tawa na naman)
~~
MOMENT 6:
norvim: nakita ko na yung sched natin sa summer sa crs, 7:30 to 9:30 tayo sa lec, tapos 12 to 4 sa lab.
clang: hala. pamatay na naman na sched.
jill: 5 am ako aalis sa bahay ko!
clang: everyday ba?
norvim: MTWThF.
ikay: ha? ano yun?
norvim: in short, monday to friday.
ikay: M...W...T...ano ulit?
norvim: (tawa ng tawa) MTWThF.
ikay: MW?
(namumula na kami sa kakatawa)
~~
alam ko, mababaw ang mga iyon.
pero kasalanan ko ba?
idadagdag ko pala yun sa listahan ko.
6. Bababaw ang kaligayahan mo.
...............................
kahapon kasi to. kulit namin sa medcaf. basta bgla na lang kaming hyper. hahaha. kulang pa nga yan meron pang natsci class:
NOT ALL THAT GLITTERS ARE FROTHY GLASS
hahaha
wala lang...
tapos ako sa jeep...
"bayad po (sabay abot ng 6 pesos)"
"istudyante?"
"opo (alangan namang senior???)"
................................
ang gulo sa may monumento. sinara na nila ang grand. si recom kasi eh. mmmm... may dahilan kaya dun ang rivalry between victory-grand? ooohhh..
may sentimental value pa man din sakin ang grand. un kasi ang kinamulatan kong pasyalan. hahaha noong nasa malabon ba ako, nung sobrang bata pa ako, nuong muka pa akong inosente, grand na talaga pasyalan ko pag gusto ko lang mamasyal. kasi malayo na ang sm north edsa para sakin, auq sumakay ng bus, galit ako sa bus kasi nahihilo ako.
aww... san na ako bibili ng internet card ngaun?????
...............................
the iraqi who threw his shoes on bush was sentenced to be imprisoned for three years, while bush who ordered missile bombs to be thrown on Iraq didn't even touch the bars. o.O
...............................
pinapaulit-ulit ko ang bad habit ng the dresden dolls. nakakaadik.
spells' results by 10:20 PM
Sunday, March 8, 2009
walang pamagat. random lang eh
ang cute ni amanda palmer at ni neil gaiman. parody yata yan ng american gothic, if i'm not mistaken. ang tagal naman ng big book of wkap. i'm so excited pa naman...
anyway, inaantok na ako. sobra. nagpakanocturnal ako kahapon eh.. (3am na ngaun), tapos hanggang ngaun nox pa din.. panu kasi dep ex kanina kaya aun.
dapat ginagawa ko na ngaun ung genogram ko eh... kaso kulang pa sa pics, madami aqng relatives na camera shy eh.. sabi ko gagawin ko na din ung layouts,,, kaso nitatamad pa ako.
may sinusulat akong short story.. ewan ko kung tatapusin ko. may pagkafeminist un. ay inde, ala pala ung 'pagka', feminist talaga. haha nagsimula lang sa isang idea nung nasa isang oras na byahe ako papuntang balon bato. dun naman nagsisimula ang lahat eh, contemplation... at aun, contemplate ng contemplate, nahihilo na ako. tae talaga.
may mga pamatay na lines na akong naiisip eh, may ending na nga eh. kaso nitatamad nga ako. at madami pa akong ginagawa.
ay inaantay ko ung crystal ko nasa freezer,, sana talaga wag matunaw ung seed crystal.. kaso may mga maliliit na crystal na nakikipagcompete sa seed ko eh.
magreresyn na daw c prof robi. awwww... balak ko pa naman siya lang lahat ng chem ko... hahaha
anu pa bang ilalagay ko???
nitatamad akong maglagay ng contemplations. :P huwag na, sa utak ko na lang lahat un,,
antok na talaga ako!!!!!!!!!!!
spells' results by 2:25 AM