Sunday, April 12, 2009
happy easter everyone! pero bakit wala akong nakitang nagpapa easter egg hunt?
new blogskin ang drama ko ngayon. di talaga kasi ako makaget-over sa Enchant ni Emilie Autumn so kinailangan ko ng outlet nitong kacheesyhan na 'to. maganda naman kinalabasan- isang cheesy na blogskin. yung title at yung line sa stat bar ay from Juliet, a song from Enchant.
tapos na ang sem. that means... pwede na akong mag-English sa blog ko hanggang sa magsawa ako. pero akit taglish pa din post ko? di ba sabi ng iba ang TagLish daw ay isang insulto sa English at Filipino?
i don't care! blog ko to.. haha evil. hindi, kasi kapag nagpure akong English or purong Filipino yung post ko, hindi ko masyadong naeexpress yung sarili ko. eh di nadedefeat ang primary purpose ng blogging. kapag ginamit ko ang language kung san ako komportable, mas maipapakita ng choice of words ko yung emotion ko nung sinusulat ko yung post. ayan na, nanonosebleed ako sa mga pinaglalagay ko.
so anung ginawa ko ngayong holy week?
mmm... nanuod ng mga inspirational tv shows. ngayong easter sunday pa lang ung resume ng regular tv programming. so nagsawa ako sa santino sa ch 2, nanuod ng ten commandments sa 23, at chocolat!
weee! ganda ng chocolat. nandun si johnny depp kaya must-see. hehe joke lang. maganda yung kwento. di ko makalimutan yung line na "we don't measure goodness by what we deny ourselves, by what we resist or what we include but by what we embrace, what we create or what we include." inspiring noh?
tapos.. pumunta kami sa Our Lady of Lourdes shrine nung Maundy Thursday. Grotto tawag dun. May spring sa likod ng shrine- sacred daw yung water dun. Nagsimba kami tapos pilgrimage. Anung Pilgrimage? Sa likod din kasi nun may cavalry kaya for the first time in my seventeen years of existence, naranasan ko na rin magstation of the cross.
ayan, may kwenta ang holy week ko. basta iba tong holy week na to kaysa sa ibang naging holy week na. may kakaiba dito. parang mas nakapagcontemplate ako ngayon...
at natapos ko na ang The Dante Club ni Matthew Pearl. Tungkol yun sa translation ng Inferno ni Dante Alighieri tapos hinaluan ng murder mystery. Enjoy naman- dapat lang, summa cum laude ng harvard si Pearl. Kaya i read Inferno along with it- to familiarize myself with the circles of hell para di ako maligaw. XD
natapos ko na din ang perfume: the story of a murderer by patrick suskind. nagustuhan ko rin to- ilove it. tungkol yun kay Grenouille (mali yata spelling ko) na may sensitive na olfactory receptors or sense of smell. nagamit niya yun sa perfumery pero ang pinakagusto niyang amoy ay yung amoy ng mga kababaihan reaching adolescence. gusto niyang ipreserve yung amoy nun at gamitin kasi wala siyang amoy- and he killed 25 young girls in the process.. cute noh?
haay... patapos na ang bakasyon ko. may pasok na naman ako sa Tuesday. Summer classes.. Arawaraw na 7:30 to 4... aalis ako ng bahay ng 5:30, makakarating ng 6.. musta naman ang twelve hours na wala sa bahay di ba? ganun talaga. si prof li ang prof ko sa lec. sana masaya naman- kais maraming nagsasabi na best chem prof si prof li. i'd still miss prof robi, though.
at mayroon akong isang malaking dilemma. puro itim yung damit ko- ang init pa naman sa lab! tanghaling tapat pa naman... grrrr!
spells' results by 8:10 PM