Wednesday, March 18, 2009
in quest for rocks
ang adik kahapon. ang benta ng araw na yun.
exam ko sa geo kahapon. sir tabin, mahirap po. ayoko ng dobleng true or false. tae, nakakalito, imbis na 2 lang yung pagpipilian kong sagot, naging apat pa.
tapos deadline na rin kahapon ng crystals at rock samples. akala ko kumpleto na kami. yun pala igneous rock lang. so ayun, natatakot ako kasi di talaga ako sanay magpasa beyond the deadline.
buti na lang mabait si prof, pumayag siyang installment yung pagpasa.
so anong ginawa namin?
pumunta kami ng mall. at nagtanong ng "Ate, may bato po kayo?" or "ate anong klaseng bato po ito?"
at napadaan kami sa isang hardware. hindi sila nagtitinda ng marmol. sayang, metamorphic pa man din yun. pero nagtitinda sila ng fountains- at yung fountains na yun may sedimentary rock- mukhang shale, di pumapasa sa tongue test para maging siltstone.
"kuya, pwede po bang amin na lang to?"
"yan lang? sige! bakit?"
"project lang po namin kuya.."
"sige. tago niyo sa bag niyo ah!"
so meta na lang kailangan namin di ba? pumunta kami sa bilihan ng mga galing sa Boracay. May serpentinite dun! Hiningi ni Dime, nde binigay sa kanya.
Kaya buong grupo kaming nagmakaawa para sa batong iyon. kaya ayun, nabigay din sa wakas.
so yung igneous rock namin galing mayon at taal. yung iba galing rob.the best place to look for rocks. libre pa. :))
.......................................
ang hot ni roy khan.
yung vox ng kamelot.
naeenchant ako ng boses niya. di ko trip ang boses ng guys pero grabe, sobrang naeenchant ako sa boses niya.
kaya pinapaulit-ulit ko yung memento mori bago ako matulog. imagine, si roy khan ang kumakanta ng lullaby ko. :))
spells' results by 9:36 PM