Tuesday, January 27, 2009
Random na kung anu-ano
Ayan, ngayon na lang ulit ako nakapagblog. bakit/ kasi ngayon lang ako nagkatime. Ngayon lang ako nagka-internet ulit. at ngayon lang ako sinipag. hehehe
So ano na nga bang nangyayari sakin? Eto buhay pa naman. Bagong lipat sa Novaliches, Quezon City! ay, hindi na pala bagong lipat, 20 days ago pa pala iyon.
kaya ayan, 2 oras na ang byahe ko. papasok, nagjijeep ako papuntang balumbato at dun nagjijeep ulit pa-LRT at saka sumasakay na ng Lrt papuntang UN or Pedro Gil. Pauwi naman, Lrt din pa-Monumento tapos van na 30 pesos. It's a long, long, loooooooooooooooooooooooooooong journey talaga.
Pero kahit na madami akong sufferings, ayaw pa din akong payagan ng mga magulang ko na mahal na mahal ako na magdorm. Ewan ko ba, I'm so beautiful in my pain siguro talaga. XD
Tapos, may isang time na may mock exam sa chem 14 na super early, 6:30! Duh, tulog pa ang mga pusa sa UPM nun noh! kaya nakitulog na lang ako kay Ikay.
At kahapon naman, 16hours lang naman akong wala sa bahay. 7am to 7pm lang naman ang pasok ko. Dahil na naman sa chem yan. Twelve hours na iyon di ba? Plus four pa for the loooooong journey. talaga naman, things I do for chemistry.
ayan muna ang mga random thoughts.. XD
----------------
"Defend the OSR- but no is still an option"
Hindi pa ako nakakaboto! hala, pero bago niyo sabihin na napakairesponsale kong istudyante, sasabihin ko sa inyo, boboto ako bukas.
Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba talaga ang pipiliin ko. Yes ba or No? namiss ko tuloy si Ysa na tinatanong ko ng "Kaliwa or Kanan?" kapag hindi ko alam kung ano pipiliin ko.
Kasi naman, nauna ko nang iniisip na Yes ang iboboto ko. Iyon kasi ang sikat na option e Saka, bakit ko ibibigay sa Admin ang kakampi ko- ang SR?
Kaso lang, narinig ko naman ang side ng No. May point sila sa mga sinasabi nila. Gusto ko iyong mga innovations na gagawin. kaya lang, may point din ang Yes eh.
sabi, hindi daw ito ang tamang panahon sa mga pagbabago. pero kailan pa kung hindi ngayon? Kaso masyadong risky kapag pinili mo ang pagbabago. Kaso wala naman daw talagang dapat katakutan.
Mag-abstain na lang kaya ako? Tae, hindi din puwede kasi malay ko nga, ako ung 1 dun sa 50%+1 na kailangan, eh di konsensya ko pa yun noh. Kailangang may kampihan ako.
Kay naku, mamaya ko na lang nga iisipin, bago ako matulog. Pag madilim na at akap ko na ang teddy bear ko* XD
Footnote: *Sorry naman, bumabalik sa pagkabata. Ngayon lang kasi nilabas ulit yung aking teddy na kumakanbta ng ABC. Hahahaha
.............
spells' results by 10:44 PM