Tuesday, January 6, 2009
singko: pahabol sa otso
wala lang. gusto ko lang gumawa ng listahan ng pahabol sa taong 2008. ito ang mga top five na sobrang nagenjoy akong pakinggan, basahin, etc. so ayan, review na rin at suggestion sa mga may katulad ng taste ko. baka ma-bore kayo sa mga susunod niyong mababasa, pero bahala kayo, blog ko to. hehehe
top five bands na nakilala ko noong 2008:
5.Dresden Dolls. Nakilala ko sila dahil kay Amanda Palmer. Maganda kasi iyong album ni Miss Palmer na Who killed Amanda Palmer, sobrang addictive. Doon, medyo mellow pa at light sa ganoong lagay si Miss Palmer so sinubukan ko ang kanyang bandang Dresden Dolls. Dito, totoong nagwawala siya. Kakaiba mga lyrics ng Dresden, minsan hindi na pambata.Hindi sila metal, punk cabaret rock sila.
4.The Crest. Frontwoman si Nell Sigland. Siya ang bagong vocalist ng Theatre of Tragedy. Hindi siya nagshashine doon, pero dito, isa siyang Diyosa. Medyo repetitive nga lang kapag tumagal sila pakinggan pero who cares, maganda at warm ang boses ni Miss Sigland. Typical rock band siguro, pero baong tunog sa palaging nakikinig ng Nightwish, Within Temptation, etc.
3.kamelot. Metal ellitists daw sila kaya tinry ko pakinggan. Ngayon, sila lang ang bandang may frontman na lalaki na pinakikinggan ko. Hindi nakakasawa ang boses ni Roy Khan at mas gumaganda pag kaduet niya si Simone or si Amanda Somerville. Pinaka favorite ko nang kanta nila ang The Haunting. Isa sa pinakamagaling na Symphonic Power Metal bands.
2.Delain. Hindi sila super original pero mas maganda iyong ginagawa nila kaysa sa ibang ka-genre nila. Hindi ko nagawang pindutin ang NEXT nung unang beses ko pinatugtog ang CD nilang Lucidity.
1.Diablo Swing Orchestra. Sila ang top 1 for this year! Soooooper original, pero sooooper majestic. Saan ka nakarinig ng ballroom music, metal at classical music na pinaghalo-halo? Ang vox pa nila ang pinakamagaling na Opera Singer sa Metal Industry. It's either you'll hate them or you'll love them. Huwag kayong matakot sa name nila kung may DIABLO, hindi sila mga satanista or anti-christ or whatever... well, quite :D
iyan ang pinakamagaling na bandang nakilala ko noong 2008. Isa kasi sa mga hinahanap ko sa internet ay mga banda. Maghahanap pa ako sa mga susunod pang taon. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng tenga ko eh.
top five books na nabasa ko noong 2008:
5.And then there were none. Agatha Christie. Ito ay dapat basahin ng mga mystery fans talaga. Si Dame Agatha Christie lang ang may kayang gumawa ng ganito. Paiikot-ikutin ka muna nito saka ka gugulatin.
4.Nocturnes. John Connolly. collection to ng short stories. pero iyong mga short stories na freaky at hindi ka papatulugin sa gabi. well di naman ganoon. pero mas guso ko siya kay stephen king magsulat. disturbing pero hindi brutal at gross.
3.Stardust. Neil Gaiman. makakarating ka dito sa mundo ng Faerie. mamimeet mo ang makukulit na duwende, ang mga prinsipeng nagpapatayan, mga mangkukulam na naghahanap ng kabataan at kung anu-ano pa. ang cheesy ng love story ni Tristan at ni Yvaine.
2.The Book of Lost things. John Connolly. Si Little Red Riding Hood ay nang-akit sa mga wolves, mga dwarves talaga ang lumason sa matabang Snow White at kung anu-ano pang istoryang hindi niyo nalalaman sa likod ng mga fairy tales.
1. Smokes and Mirrors/ Neverwhere. Neil Gaiman. Tie sila eh. iyong smokes and mirrors ay collection ng short stories.iyong neverwhere naman ay novel tungkol sa ilalim ng London. ano nga ba ang nasa ilalim ng London? patay na hayop, buto ng dinosaur, mga tubo? mali! isang mundo sa London Below kung saan marami kang mabubuksan na doors.
iyan naman ang mga librong nabasa ko noong 2008. Iyan iyong mga librong hindi ka papayagang bitawan mo sila. well, ebook lang sila noong binasa ko pero iimagine niyo nga ang hirap na dinanas ng mata ko kakabasa niyan sa computer! tyinagaan ko iyan!
top five solo artists na nakilala ko noong 2008:
5.Sarah McLachlan. medyo masyadong formulaic ang mga kanta niya pero maganda ang boses niya, promise.
4.Sarah Brightman. one of the purest voice. kaya niya operatic or pop. kaya lang, hindi masyadong maganda iyong mga cover niya ng kanta ng ibang artists.
3.Enya. sa mga gustong mag-relax at magnilay-nilay, siya ang artist para sa inyo. kaya niyang magdala ng moods sa ibang dimensyon.
2.Amanda Palmer. hindi niya kaya ang mga high notes pero hindi mo kaya ang ginagawa niyang pagkanta ng low notes. magaling na lyricist, may pagka-feminist. kawawa nga lang ang piano niya.
1.Emilie Autumn. sooooooooper unique din. nag-iisa lang siya. victoriandustial daw siya. para sa mga babaeng gustong maboost to the highest level ang pride nila. hardocore feminist. violinist. singer. composer. poet. ano pa bang hindi niya kaya? kawawa rin ang violin sa kanya. riot na!
sila naman ang mga pinakamagagaling na solo artists na nakilala ko noong 2008. hini lang metal ang pinapakinggan ko, nakikinig din ako sa kanila.
wala na akong maisip na magandang gawan ng top five list. hindi naman kasi ako moviegoer or couchedpotato. so ayan na lang muna.
.............
must-haves ko sa nuwebe!
*bagong album ng Tristania
*bagong album ng Theatre of Tragedy
*baging album ng Diablo Swing Orchestra
*your sugar sits untouched ni emilie autumn
*DVD ng leaves' eyes
*Black symphony (tae, antagal na nito ah!)
*the asylum for wayward victorian girls- libro ni emilie autumn
*the big book of who killed amanda palmer- text by neil gaiman
*the alphabet of x-boyfriends- libro ulit ni emilie autumn
ayan... sana may mabilhan ako or madownloadan. :D
next time naman!
spells' results by 9:30 PM