Sunday, December 28, 2008
Sinong Icon mo?
Ayon sa isang artikulo sa wikipedia na hindi masyadong reliable ang sources, ang iconolatry ay ang pagsamba sa mga imahe o larawan. Mula ito sa mga Griyegong salita na eikon na ang ibig sabihin ay larawan at latreia na ang ibig sabihin naman ay pagsamba.
Marahil, masasabi kong tradisyonal ang iconolatry na may relasyon sa relihiyon. Tulad niyan ang pagsamba sa mga Santo at santa, mga larawan ni Hesus at kung anu-ano pang mga holy relics. May mga nagsasabi na ang ganitong iconolatry ay hindi maganda dahil ito ay labag sa nasusulat sa bibliya.
Mahabang usapan ang ganitong uri ng iconolatry. Baka hindi magkasya sa blog ko kaya ang pag-usapan na lang natin ang makabagong iconolatry.
May nakita kang isang artista. Wow. Ang ganda niya. Ang husay pa niyang umarte. Bumili ka ng kanyang mga poster. Pinuno mo ang kuwarto mo ng mga posters niya. Gusto mo ding maging katulad niya. Siya ba ay isang icon?
Nakita mo ang isang gitarista ng banda. Namangha ka. Bumili ka ng mga posters niya. Inabangan mo ang gigs ng banda niya. Inabangan mo din ang mga albums na ginawa niya. Pati ikaw, bumili ng gitara, nagdownload ng guitar tabs ng mga kanta ng banda niya at tumugtog. Balak mo na din gumawa ng mga banda. Siya ba ay isang icon?
Naalala ko tuloy ang kinukwento sa akin ng dati kong guro sa Filipino. Nung kapanahunan niya, usung-uso daw ang pag-iidolo sa mga basketball players. Bumili siya ng mga memorabilia, at pinakagusto niya ay iyong life-sized na larawan ng player. Sila ba ay mga icon?
Ang makabagong icon ay hindi na tungkol sa relihiyon. Tungkol na ito sa mga ordinaryong taong nakikita nating magandang tularan. Gusto natin ang kanilang itsura, ang kanilang mga nagagawa kaya kung minsan gusto nating maging sila.
Ang masa ay pumipili ng kanilang icon. kalimitan ang napipili ay iyong sobrang sikat at may nagawang mabuti para sa masa. tulad na lamang ni Manny Pacquiao na nakapagbigay sa masa ng sense of nationalism. Kaya naman si Pacman ay icon ng mga Pilipino. Nirerepresenta niya ang mga Pilipino hindi lamang sa mga laban niya kundi pati na rin sa iba pang aspeto ng pamumuhay niya.
Pero ang mga makabagong icon ay short-lived o panandalian lamang. Kapag wala na sa kasikatan ang isang personalidad, nawawala na ang mga taga-hanga niya. wala ng magpri-print ng posters niya. Wala nang bibili ng albums niya.
Kung dapat kaiinggitan ang mga icon, depende sa iyo iyon. Kung gusto mong maging simple ang iyong buhay ang sumamba din sa mga icon, hindi mo kailangan kaiinggitan ang pagiging icon. Pero kung gusto mo ng panandaliang kasikatan at maraming posters na mawawala din, marahil naiinggit ka na ngayon sa mga modernong icons.
mood today: tinatamad kahit madami pang dapat gawin
reading: rebecca,pero tinatamad pang magbasa ulit
listening: vain city chronicles ng the crest
eating: danish style cookies!
spells' results by 5:01 PM