Thursday, December 4, 2008
crazy about connolly!
natapos ko kanina yung the book of lost things. Kanina means 1:15 am. Nagstay ako hanggang madaling araw para tapusin ang libro ni john connolly...
ewan ko kung book review ba itong pinopost ko. basta random thoughts na related dun.
pero una sa lahat, sino si connolly?
si john connolly ay isang author (bestselling daw) na nakapagpublish na ng ilang novels at isang collection ng short stories. di ko alam ung exact number ng novels eh.
nakilala ko si connolly sa nbs. sale kasi, kaya ung the black angel ay nabili ko for 30 pesos. Ngayon yata balik 300 pesos na ang ganun kagandang novel.
ung the black angel ay isa sa charlie parker series. charlie parker is a detective. tapos ayon, may halong supernatural ang suspense/thriller na iyon. maganda naman yung kwento pero nakulangan pa ako.
like i said, meron siyang book ng short stories. nocturnes. maganda, mala-edgar allan poe. ang freaky ng mga kwento pero di naman maxadong gross tulad ni stephen king. medyo dark na gaiman siguro.
at ngayon natapos ko na ang the book of lost things. sobrang nagandahan ako. feeling ko nandun pa din ako sa world ng twisted fairy tales. naiwan ako. as in napanaginipan ko pa ang mga wolves kaya un ung unang entry ko sa aking dream journal sa psych.
gaiman in the making si connolly kung itutuloy nia ung mga ganitong novels. pero may something sa sinusulat ni connolly na hindi ka papayagang bitiwan mo yung book. so ayun. grabe, sobrang lakas talaga ng effect sakin nun, lalo na laking fairy tales ako.. haha
ayun lang!
...
may nakita na naman akong bagong band. amberian dawn. ang ganda ng boses nung babae, mala-epica sila. kaya gusto ko nun. at pagnagtorrent naman ako, kelan kaya ako matatapos???
at gusto ko din ng diablo swing orchestra!!! pinakamagaling na soprano sa metal ang vocalist nun.. :P
hay..
spells' results by 8:02 PM