Monday, December 1, 2008
Dihydrogen Oxide
Noong Sabado, sumama ako kay mama sa Novaliches. Sinilip ko kung ano na ang progress sa kanyang pingagawang bahay.
Sabi niya, lilipat na daw kami sa January 8.Ibig sabihin, iiwanan ko na ang Potrero, Malabon City. Mahigit 15 years na din akong ikinankanlong ng Malabon. Hello Novaliches na.
Pero bago pa ang lipatan mangyari, may away muna.. hahaha
Ganito kasi yun. Sa mga nakaraang buwan, umaabot ng 800 pesos ang bill namin sa tubig. Hello, apat na tao lang kaya kami sa loob ng bahay, ano kami, may swimming pool?
Tapos yung kapitbahay namin, na nagkataon ding may-ari ng bahay (nakikiupa lang kami), ay 200 pesos lang ang babayaran sa tubig samantalang tatlong pinto ang nagsheshare sa isang metro. Siguro, hindi naliligo yung mga yun.. hehehe
Ang ginawa ni mama, tumawag siya sa Maynilad. Dumating naman ang mga Maynilad Boys in no time. Tinignan nila ang metro. Sabi nila, nagkapalit daw kami ng metro saka nung kapitbahay namin. So, si Mama, although alam niya namang iyon talaga ang makikita ng Maynilad Boys, ay nagalit. Siyempre, kasi ang inaabot nila saming resibo ay yung pang sampung tao at kami ang nagbabayad ng pinangpapanligo ng kapitbahay. Kulang na lang, manghingi sila ng shampoo.
Kinausap ngayon ng kapitbahay si Tita. Wala kasi si mama, nasa trabaho. O baka ayaw lang talaga nila harapin si mama. Pagdating ni mama sa bahay, saka niya hinarap ang aming neghbors. Hindi ko nga lang alam ang detalye kasi nasa UP pa ako nung mga panahong iyon. Pero nagkasagutan daw sabi ng kapatid ko. Ang unang resolution: babayaran daw nila friendly neighbors ang bill ngayon pati na yung mga past bills.
Then, one day, habang nag-eenjoy kami mag-grocery ni mama, sumugod itong si mrs. neighbor kay tita. Nasaksak yata ng matalas na dila ni mama, bleeding to death.
Pagkatapos noon, kumuha yata ng private detective sila neighbor at pinatignan ulit yung metro. Ang conclusion: yung number daw ng metro na mahal ay katulad ng sa bill namin sa tubig. Ewan. Magulo eh. Basta nabaliktad. Samin ulit yung mahal na bill.
Kaya ayon, kami pa din ang magbabayad ng mataas na bill...
ano ang final conclusion??
I therefore conclude na hindi talaga naliligo ang kapitbahay at may secret swimming pool kami sa basement. That's why 800 pesos ang bill namin. :D
spells' results by 1:48 PM